1. Mga magandang panoorin na laro.
Ang 2 kupunan ay parehong galing sa mga sunod-sunod na panalo. Ang Ateneo ang nanalo sa kanilang huli laro at huli sila natalo sa UP. Habang ang UE naman ay nagtagumpay sa huling walong laro nila at ang huling nakatalo naman sa kanila ay ang mkakalaban nila sa Finals, ang mga Bughaw na Agila. Maasahan natin na ang ang dalawang magkakalabanan ay parehong may kompyansiya sa kanilang sarili kung kaya't maipapakita nila ang tunay nilang galing sa laro.
Magiging maganda and Finals dahil hindi rin siguro tayo mkakakita ng masyadong tambakan sa Finals ngayong taon. Napakita na nilang dalawa na kaya nila makahabol kapag sila ay nalalamangan ng lampas ng sampu. Pareho sila nanalo laban sa mahusay na FEU Tamaraws kahit na nga bang natambakan na sila sa simula o gitna ng laro. Kapag ay isang kupunan ay medyo nakakalayo na, sigurado ako na kayang kaya ng kabila na makasagot at makahabol kaagad. Alam kong hindi makakapayag ang mga manlalaro na basta-basta matalo na lang ang kanilang kupunan. Magiging masaya panoorin ang laban dahil para magiging boksing ang laban kung saan sila'y magpapalitan ng mga malalakas na suntok.
2. Matitinding magkakatunggali na indibidwal na manlalaro
Ang pinakainaabangan na labanan ay yung sa pagitan ng 2 manlalaro na dating magkakampi noong sila ay nasa hayskul pa, si Paul Lee at Eric Salamat. Silang dalawa ay parehong importante sa kanilang kupunan. Pareho silang mahusay sa takbuhan at sa paggawa ng mahihirap na tira. Pareho din silang masaya panoorin dahil sa istilo nila ng paglalaro.
Makikita rin natin ang labanan ng dalawang mahusay na malalaking mam sa loob sa pagitan ni Al-Hussaini at Llagas. Hindi tulod ng 2 mokong na si Lee at Salamat, sila Rabeh at Pari ay simple lamang ang mga galaw pero ipektibo naman sa pagkuha ng puntos para sa kanilang kupunan. Mahihirapan si Llagas na bantayan ang MVP noong isang taon pero kailangan muna ni Rabeh na tumigil sa kakadakdak nya sa referees at magpokus na lang sa paglalaro ng basketbol.
Mapapanood din natin ang dwelo laban sa 2 napakahusay sa panunupal na si Baclao at Espiritu. Pangalan pa lamang ay nakakatakot na si Nonoy Baclao. Siya ay isa sa pinakamagaling pumiwesto sa depensa sa buong UAAP. Napakagaling niya sa timing at paggamit ng malagagabang mga galamay niya sa pagsupal ng mga tinitira ng kanyang binabantayan. Si Espiritu naman ay isang taong di mo malaman kung may spring sa kanyang mga sapatos. Napakataas ng kanyang talon kung kaya't nakakasupal din siya ng mga binabato ng kanyang kalaban. Kaya ilayo ni Elmer si Nonoy sa loob upang madalian pumasok ang kanyang mga kakampi sa loob dahil sa kakayanan niya tumira ng tres. Meron din naman tira sa labas si Nonoy kahit papaano kung kaya mailalayo rin niya si Elmer kung sakali sila nga ang magbabantayan.
3. Mga astig na galaw
Hindi ito magiging SA-DET na finals kung saan ay magiging nakakaantok ang laro. Si Salamat at Paul Lee ay ang mga magbibigay ng mga nakakakuryente na galaw. Sila Baclao at Espiritu naman ang mga salarin sa pagbabalik ng mga tira sa lupa. Sigurado din ako makakakita tayo na mga dakdak galing kay Elmer. Siyembre hindi mawawalan ng mga ang mga tres galing kela Lingganay, Reyes, atbp.
4.Mahuhusay na courtside reporter
Sayang hindi naten makikita ang 2 magandang reporter na si Jessica Mendoza at Kryzelle O'Conner (Wala man lang kasi ung UP sa Final 4 wala tuloy si Erika. haha) Pero ayos lang dahil andyan parin si Jessica at magiging masaya na ako doon. Di lang siya maganda, magaling din talaga siya magsalita. (Medyo nahihirapan nga lang siya itugma ang pananalita niya sa basketbol) Si Tiff naman ay isang mahusay din na reporter(Hindi tulad ni Eric Torejon at Kyrzelle O' Conner).
No comments:
Post a Comment